birthing story (long overdue post)

May 26, 2010 at 11:05 am | Posted in Uncategorized | Leave a comment

finally! i’m posting/sharing my (long overdue) birthing story…here’s what happened starting from few days before (this story was written and shared to my n@w yahoogroups about a week after giving birth…inedit ko lang ng konti, medyo mas inayos ko yung pagka-kwento..medyo lang haha!)…

my EDD was supposed to be aug.18 (tuesday)…

aug.15 (saturday)

during my checkup,  i was still 1cm dilated (2wks or more than 2wks na ata akong 1cm) and sabi ng OB ko ‘mataas’ pa din daw si baby di pa bumababa. kahit palagi na kong puro lakad sa mall since 35wks ata ako eh ambagal nyang bumaba. sabi ng OB ko she’s giving me until aug24 (monday), pag di pa ko naglabor nun iinduce na nya ko. kahit daw pwede max of 2wks after edd yung pwede, di nya ko palalagpasin ng more than 1wk overdue. sinabi nya din kung ano yun mga things to watch out for aside from regular contractions.

aug.17 (monday)

naka-maternity leave na ako. araw-araw akong nageexercise since aug15 (walking sa grocery, sa paligid ng bahay namin, akyat-baba sa hagdan, linis ng room, saka yun tailor-sitting ba yun na exercise for easier labor). the night of aug17 feeling ko malabo nga ako manganak ng edd ko, wala ako nararamdaman na contractions eh, sobrang kakainip yun paghihintay. aug18&19 came, wala pa din signs!

aug.20 (thurs)

around 10am nagising ako at nag-cr, nagulat ako may spot ng blood sa undies ko, parang 1st day ng mens..nung nagising at nag-cr ako ng 7am wala pa yun. pagkakita ko nun kinabahan ako and at the same time naexcite (thinking na ‘this is it’)…i tried to be calm, and nagprepare na para pumunta sa OB ko after lunch. hinatid ako ng bro ko sa hosp/clinic (overseas kasi si hubby) and ready na din kami just in case i-aadmit na ko (i was really hoping then). nung nag-IE yung OB ko 1cm pa din daw at mataas pa din daw!  pero numipis na daw cervix ko. so umuwi pa din kami.

aug22 (sat)

madaling-araw ilang beses akong nagising kasi sumasakit puson ko, parang meron o magkakaroon ako. pero di pa regular yun interval nung contractions, so dinedma ko lang. the whole day ng saturday pinapakiramdaman ko lang sya…mga 6pm nagstart ako magtime, around 10-20 mins yung interval (sabi ng OB ko pag mga 10mins na lang interval tawagan ko sya at punta na ko hospital). around 10pm umaabot pa din ng almost 20mins interval, minsan nag-30mins pa. nung past 11pm na, around 7-10 mins na..so nagdecide na ko punta na kami hosp kasama bro ko at maid (nasa work kasi parents ko, sumunod na lang sila nung umaga). katext ko si wilson nun sabi ko manganganak na ata ako, pati sya nate-tense na wala naman sya magawa kasi nasa malayo nga. past 12am na kami umalis papunta medical center manila (UN ave). mga 1am diretso ako sa area ng delivery room para macheck ng resident OB. for 30mins minonitor muna nila interval ng contractions. then ni-IE ako, 6-7cm na daw! nagulat ako nun kasi iniisip ko baka 3cm pa lang. habang nag-IE pati, pumutok na waterbag ko (not sure kung pinutok na sadya pero parang kusa atang pumutok). after prepping me up, nilipat na ko agad sa labor room, kinabitan nung straps sa tyan for the fetal monitoring. parang ang bilis na ng mga pangyayari that time, di ko na nabilinan yung bro ko tungkol sa pagkuha ng room (buti na lang semi-private ang kinuha). di din ako makatext kasi wala sa akin ang phone ko, pagpasok ko pa lang sa may delivery area bawal na ang kasama at pati gamit/bag ko pinaiwan. ni hindi ko nakuha yung camera at videocam ko nakalimutan ko dahil sa nerbyos, wala tuloy pics sa delivery room. from 1:30-4:30am minumonitor yung contractions ko and si baby sa tyan ko, habang iniinterview. nung nasa labor room na ko dun ko na nararamdaman na tumitindi yung pain at mangiyak-ngiyak na ko, gusto ko sumigaw pero nahihiya ako hehehe! pabulong lang halos na puro “ang sakit!”…ngayong nirerecall ko mga nangyari, feeling ko mukha akong nakakaawa that time. dumating yung anaesthesiogist ko around 3am ata, nung nasaksakan na ko ng epidural ok na ko..hehe! wala na kong nararamdaman at pwede na kong makatulog, kaso dinadaldal/interview pa ako ng nurse ata yun o intern. 4am ata dumating yung reliever ng OB ko, di daw kasi makapunta OB ko nahihilo ata, basta di maganda pakiramdam. gustuhin ko man sya magpaanak sa akin wala ako magagawa, kesa naman pilitin nya kahit di kaya eh baka kung ano pa mangyari sa amin ng baby ko. nung nag-IE yung OB around 4:30, 7cm pa din ako. tapos based dun sa monitor na nakakabit sa akin, everytime may contractions ako bumababa yung heart rate ng baby, nahihirapan/nai-stress daw…ina-update naman nila OB ko thru phone…bandang huli nagdecide sila na kelangan ako i-emergency CS kasi nga nahihirapan yung baby eh mas titindi pa yung contractions pag papalapit na manganak, meaning mas mahihirapan si baby. sa isip-isip ko “huwaaat!?!?! after kong mapraning kakahintay ng ilang araw, at ngayong ilang oras na ko nahihirapan maglabor, i-c-CS din pala ako!!”…well, ayaw ko man ma-cs wala naman ako magagawa, kelangan eh..kesa naman kung ano pa mangyari sa baby ko. so by 5am nasa delivery room na ako…nagpiprepare na sila at sinaksakan na ko uli ng anaesthesia. groggy na ko nun pero all throughout the procedure dinadaldal ako ng anaesthesiologist mamya na daw nya ko patutulugin pag nakalabas na baby ko. nung nilalabas na baby ko (William Jared was born at 5:35am of aug.23, 5days after my EDD) sinabi nya na ‘ayan na lumabas na baby mo, lilinisin lang nila tapos makikita mo na’…pero di ko pa agad narinig na umiyak pagkalabas nya… nasa left side ko lang yun cleaning area pero di ko makita kasi nakaharang yun mga nurse na naglilinis..dun ko narinig umiyak yung baby. super groggy na talaga ko as in nahihilo na ko, pero pinipigilan ko makatulog. nung nalinis na, itinabi sa akin ng nurse, tapos ni-kiss ko lang si jared..grabe di ko maexplain yung feeling pagkakita ko sa kanya, naiiyak ako pero di ako naiyak talaga, epekto ata ng sobrang pagkagroggy…that was the last thing na naalala ko, nakatulog na ko agad. ni hindi ko sure kung inalis nila si baby sa tabi ko before or after ako nakatulog. nagising ulit ako ng 7am ata yun nasusuka ako, andun pa din ako sa DR, kakatapos lang ata tahiin, nililinis na lang yun tyan ko..andun at dinaldal uli ako ng anaesthesiologist, sabi ba naman “pano, next year ulit?”…sagot talaga ako “wag muna po!” hehehe!! nilipat na ko sa recovery room tapos tulog ulit ako, nagising ulit ako mga 9am, dadalhin na ko sa room ko nun.

that afternoon akala ko iaakyat si jared sa akin, kaso naka-incubator pala for 24hrs dahil CS daw (mandatory daw yun incubator kahit walang problem). di din naman ako pwede pang bumaba sa NICU kasi bawal pa tumayo dahil sa opera, kaya kinabukasan (monday) ko na sya ulit nakita at nakasama nung nagpunta ako sa NICU para magbreastfeed (tinry pa lang pero wala pa milk). di ko na din sya naroom-in kahit gusto ko kasi di ko pa kaya, kala ko nung una pwede partial room-in, yung ibabalik din sa NICU at the end of the day, hindi pala. eh advice din ng OB ko, wag ko pilitin kung hirap pa ko, palakas daw muna ako kasi nga CS ako. nung monday na yun naglalakad-lakad na ko kahit hirap, at nakapupu na din…tuesday nakalabas na kami ng hospital. ang sarap ng feeling na kasama ko na baby ko, at the same time ang hirap mag-alaga lalo na pag 1st-time mom at CS pa, saka wala pa dito si hubby… puyatan blues talaga! but all the sleepless nights and days are worth it when i look at my baby 🙂


Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: